DOCUMENTARY
Sa mga gayak na church altars, dekoradong jeepneys, hanggang sa bahay at kalsada tuwing holidays, klaro na ang mga Pilipino ay mahilig sa kasaganaang selebrasyon at labis na paggastos. Ang kultura ng Pilipino ay para sa Maximalism, ngunit bakit nga ba? Sa episode na it, tatalakayin natin ang kontexto ng Maximalism sa Pilipinas, at kung paano ito nakikita sa artistic at lifestyle choices ng mga tao.
Ang brand ng Filipino Maximalism ay higit pa sa imahe ng aesthetics at kaginhawaan ng nostalgia, ito ay isang patunay sa pagiging madiskarte at matatag na pagkakakilala sa ating lipunan. Titignan natin sa pangalawang episode ang historikal hardships na naranasan ng mga tao ng Pilipinas, ang resulta ng kanilang kakayahan umangkop, at kung paano hinubog ang kanilang talento sa paggawa ng mabuti sa kung ano meron sila.
Walang kultura kung walang sining, at sa kulturang laganap ang Maximalism, madalas nila ipahayag ang sarili extravagantly at walang paumanhin. Sa huling pangatlong episode ay makikita kung paano i-apply ng Pilipino ang Maximalism sa kanilang sining, ang intention sa likod ng kanilang mga koleksyon, at ang mga istorya na nais nilang ibahagi sa mundo.